Ang Mahiwagang Paraíso ng Hinatuan

 💙 Enchanted River: Ang Mahiwagang Paraíso ng Hinatuan


Kung may isang lugar sa Pilipinas na tunay na karapat-dapat ipagmalaki, iyon ay ang Enchanted River sa Hinatuan, Surigao del Sur. Isa ito sa mga pinakakamangha-manghang likas na yaman ng Mindanao isang ilog na tila gawa ng mahika dahil sa napakalinis at mala-kristal nitong tubig na kulay asul.


Pagdating ko roon, agad akong namangha sa ganda ng paligid. Ang tubig ay malinaw na parang salamin, at sa ilalim ay makikita mo ang mga isdang malayang lumalangoy. Kapag sumisikat ang araw, tila kumikislap ang buong ilog parang may sariling liwanag na nagmumula sa kailaliman.


Hindi lang ito basta tanawin, kundi isang karanasang puno ng hiwaga at kapayapaan. Kaya nararapat lang na i pag malki at protektahan ang Enchanted River. Sa halip na sirain o kalat-kalatin, dapat natin itong pangalagaan upang manatiling malinis at maganda para sa mga susunod na henerasyon.


Ang pagbisita sa Enchanted River ay hindi lang bakasyon ito ay isang paalala na ang Pilipinas ay may likas na ganda na kayang ipagmalaki sa buong mundo. Kaya kung naghahanap ka ng lugar na tahimik, maganda, at kakaiba, bisitahin mo ang Enchanted River ang mahiwagang ilog na tunay na nagbibigay-buhay sa kalikasan at sa ating pagmamahal sa sariling bayan.

CTTO :

-Angela Suazo

Comments

Popular posts from this blog

Likas na Ganda at Lamig ng Kalikasan sa Barobo

Pahinga sa puso ng alon.