Pahinga sa puso ng alon.
Pahinga sa puso ng alon.
Ang Cagwait White Beach ay isang hugis-letrang C na dalampasigan na matatagpuan sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur, Pilipinas, na kilala sa pinong buhangin at asul-berdeng tubig. Minsan itong tinawag na “Waikiki Beach ng Pilipinas” dahil sa ganda at ginhawang dulot nito. Isa itong tahimik na destinasyon na perpekto para sa paglangoy, pagpapahinga, at mga romantikong paglalakad sa tabing-dagat. Matatagpuan ito hindi kalayuan mula sa sentro ng bayan at mayroong resort na pinapatakbo ng lokal na pamahalaan. Ang Kaliguan Festival ay isang taunang pista na ipinagdiriwang dito, tuwing ika-24 ng Hunyo, bilang paggunita sa kapistahan ni San Juan Bautista. Isa itong makulay at masayang selebrasyon na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at likas na ganda ng Cagwait, lalo na ang tanyag na Cagwait White Beach. Tampok sa Kaliguan Festival ang Sayaw sa Kaliguan, kung saan iba’t ibang grupo mula sa mga paaralan at barangay ang sumasali sa street dancing competition na may temang may kaugnayan sa dagat, kalikasan, at kasiyahan ng mga mamamayan. Nagsusuot sila ng makukulay na kasuotan at sumasayaw sa saliw ng masiglang musika, na nagpapakita ng sigla at pagkakaisa ng komunidad. Ang Cagwait White Beach ay hindi lang lugar ng kasiyahan, kung hindi lugar din ng kapayapaan. And dagat na kasing linaw ng langit ay nakaka- akit ng mga tao para maligo rito. Ang malinis na kapaligiran ay maganda para maglitrato o mag picture-picture. Dito ang perpektung lugar para sa mga selebrasyon at pagtakbo sa mga problema ng kasaglitan.
Comments
Post a Comment