Munting Hiya ng Cagwait
Himig ng Kalinaw Ang Alindog ng Cagwait White Beach Nobyembre 11, 2025 💚 Sa hilaga ng Surigao del Sur, may isang lugar na tulad nagbango sa mga alon at haplos ng hangin Cagwait White Beach. Dito, lapat na lapat ang bawat patak ng tubig sa malinis at maputing buhangin na para kang binuo ng kalikasan. Ang lugar na ito na may hugis letra C ay parang yakap ng kalikasan isang lugar na makapagpahinga ka, mararamdaman mo ang malamig na simoy at asul na alon ng dagat. Tinawag itong Waikiki of the South dahil sa ganda at dulot nito. Sa bawat hakbang mo sa tabing-dagat, ramdam mo ang musika ng alon na kumakanta ng kapayapaan.
Hindi lang ito basta pook o destinasyon ito ay karanasan. Sa Cagwait, mararamdaman mo ang pahinga sa bawat bugso ng alon, at kalayaang dulot ng bawat hagod ng hangin. Pwede kang maligo, magmuni-muni, o pumwesto lang sa buhangin habang pinagmamasdan ang dapithapon lahat parang isang alam kong nais mong hindi matapos. 🌈 Sayaw ng dagat at diwa ng bayan Ang Kaliguan Festival ay ginaganap bawat Hunyo 24 sa buong Cagwait bilang pasasalamat kay San Juan Bautista. Sa pistang ito, sumasayaw ang mga tao sa ritmo ng dagat batang nakangiti, grupo ng mga nagtatanghal ng talento, at mga kulay na kumikislap sa ilalim ng araw. Ang Sayaw sa Kaliguan ay isang sayaw sa lansangan na nagsasadula sa pagkakaisa, kultura, at pagmamahal sa kalikasan.
Habang sumasayaw ang musika, mga puso ng tao ay sumasabay sa iisang tibok ng kasiyahan. Sa Cagwait, ang dagat ay hindi lang basta tanawin ito ay pangalwang ata na pinangalan sa kinabukasan, pagmamahal, at pag-asa.
📍 Cagwait White Beach, Surigao del Sur - kung saan ang bawat alon ay may kwento, at bawat kwento ay may himig ng kalinaw. 🌅
-Ashante M. Alburo

Comments
Post a Comment